Pagmamanupaktura

Ang pagmamanupaktura ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging magagamit na mga produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng paggupit sa hindi kailangang mga piraso, pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mga kimikal.[1]
Maaaring paraanin sa makinarya sa pabrika ang mga materyal, o sa paraang mekanikal. Ang pagmamanupaktura ay may kaugnayan sa mga katagang paggawa,[2] pagyari,[3] pagtahi-tahi, paghalo-halo[4] o pagkatha-katha ng mga produkto[5] na karaniwang ginagawa sa loob ng mga pabrika.
Kasali sa kontemporaryong pagmamanupaktura ang lahat ng mga intermedyaryong yugto sa paggawa at pagsasama ng mga bahagi ng isang produkto. Ginagamit sa halip, ng ilang industriya, tulad ng mga tagagawa ng mga semikonduktor at bakal, ang salitang pabrikasyon.[6]
Estratehiya ng pagmamanupaktura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa isang "tradisyonal" na pananaw ng pagmamanupaktura, may limang pangunahing dimensyon kung saan maisusuri ang pagmamanupaktura: gastos, kalidad, pagkamaaasahan, pakikibagay at inobasyon.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Manufacturing". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., tomo para sa titik na M, pahina 83.
- ↑ "Laser Marking Machine Manufacturer". Nakuha noong 10 Marso 2023.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Manufacture". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
- ↑ "Premier Toll Manufacturer". Vitamen Beverage Concept (VBC). 2022-10-27.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Manufacture - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Thadani, Akhil; Allen, Gregory C. (2023-05-30). "Mapping the Semiconductor Supply Chain: The Critical Role of the Indo-Pacific Region" [Pagmamapa ng Daloy ng Suplay ng Semikonduktor, Ang Napakahalagang Papel ng Rehiyong Indo-Pasipiko]. CSIS (sa wikang Ingles).
- ↑ Hayes, R. H., Wheelwright, S. C. and Clark, K. B. (1988), Dynamic Manufacturing [Dinamikang Pagmamanupaktura] )sa wikang Ingles), New York: The Free Press, sinipi sa Wassenhove, L. van at Corbett, C. J., "Trade-Offs? What Trade Offs? (A Short Essay on Manufacturing Strategy" [Mga Trade-Off? Anong Mga Trade Off? (Isang Maikling Sanaysay sa Estratehiya ng Pagmamanupaktura] (sa wikang Ingles), pa. 1, INSEAD, nailathala noong Abril 6, 1991, nakuha noong Setyembre 27, 2023
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.