John Bardeen
John Bardeen | |
---|---|
![]() Si Bardeen noong 1956 | |
Kapanganakan | 23 Mayo 1908 |
Kamatayan | 30 Enero 1991
|
Libingan | Forest Hill Cemetery |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Unibersidad ng Princeton Unibersidad ng Wisconsin sa Madison Madison Central High School University of Wisconsin High School |
Trabaho | pisiko, imbentor, propesor ng unibersidad, electrical engineer |
Opisina | propesor () |
Asawa | Jane Maxwell (1938–) |
Anak | James M. Bardeen, William A. Bardeen |
Magulang |
|
Si John Bardeen (Mayo 23, 1908 – Enero 30, 1991) ay isang Amerikanong pisiko at inhinyerong elektrikal, na naging nag-iisang tao na nakapagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika nang dalawang ulit: una noong 1956 na kasama sina William Shockley at Walter Brattain para sa pagkakaimbento ng transistor; at muli noong 1972 na kapiling sina Leon N. Cooper at John Robert Schrieffer para sa saligan o pundamental na teoriya ng kumbensiyunal na superkonduktibidad na nakikilala bilang teoriyang BCS.
Napagbago nang lubusan at ganap ng transistor ang industriya ng elektroniks, na nagpahintulot upang mangyari ang Panahon ng Impormasyon (Kapanahunan ng Kabatiran), at nagawa nitong maging posible ang pagpapaunlad ng halos bawat isang modernong aparatong elektroniko, mula sa mga telepono hanggang sa mga kompyuter, hanggang sa mga misil. Ang mga pagpapaunlad ni Bardeen sa superkonduktibidad, na nakapagpanalo sa kaniya ng kaniyang pangalawang premyong Nobel, ay ginamit sa magnetic resonance imaging (MRI).
Si Bardeen ay naging isang Propesor ng Inhinyeriyang Elektrikal at Pisika sa Pamantasan ng Illinois sa Urbana-Champaign mula 1951 hanggang 1991.
Noong 1990, lumitaw si Bardeen sa tala ng "100 Most Influential Americans of the Century" (100 Pinaka Maimpluwensiyang mga Amerikano ng Daantaon) ng LIFE Magazine.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si John Bardeen ay ipinanganak noong Mayo 23, 1908, sa Madison, Wisconsin. Natapos niya ang mataas na paaralan sa Madison at pagkatapos ay nag-aral ng electrical engineering sa Unibersidad ng Wisconsin, nagtapos noong 1928. Pagkatapos magtrabaho ng maikling panahon sa Western Electric Company, naging graduate research assistant siya sa kanyang unibersidad, na nakatuon sa matematika at pisika.[2]
Kalaunan ay lumipat siya sa Pittsburgh upang magtrabaho sa pagbibigay-kahulugan sa mga survey na may kaugnayan sa paghahanap ng langis ngunit nagpasya na ituloy ang teoretikal na agham. Pagkatapos ay nagpunta si Bardeen sa Princeton University para sa karagdagang pag-aaral sa matematikal na pisika, kung saan naging interesado siya sa pisika ng estadong solido. Natapos niya ang kanyang Ph.D. noong 1936. Mula 1938 hanggang 1941, si Bardeen ay isang assistant professor sa Unibersidad ng Minnesota, pagkatapos ay nagtrabaho bilang isang pisiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Naval Ordnance Laboratory sa Washington, D.C., na tumutuon sa naval technology. Pagkatapos ng digmaan, sumali siya sa Bell Telephone Laboratories at nagtrabaho doon hanggang 1951 nang siya ay naging propesor sa Unibersidad ng Illinois. Naging bahagi siya ng Center for Advanced Study ng unibersidad mula noong 1959.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "John Bardeen, Nobelist, Inventor of Transistor, Dies". Washington Post. 1991-01-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-02. Nakuha noong 2007-08-03.
{{cite news}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ 2.0 2.1 "John Bardeen - Biographical". NobelPrize.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-19.
Talaaklatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hoddeson, Lillian and Vicki Daitch. 2002. True Genius: the life and science of John Bardeen. National Academy Press. ISBN 0-309-08408-3